Naghain na ng diplomatic protest ang Pilipinas kaugnay sa pagpapa-recall ng Kuwaiti Government kay Philippine Ambassador Renato Pedro Villa, pagpapa-aresto sa tatlong Filipino Diplomats at patuloy na pagkakabilanggo ng apat na iba pang embassy personnel.
Sa ipinadalang diplomatic note, nagpahayag din ang Department of Foreign Affairs ng pagkadismaya sa aksyon ng Kuwait.
Ito’y sa kabila ng napagkasanduan ng Pilipinas at Kuwait nang pulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Kuwaiti Ambassador Saleh Ahmad Althwaik sa Davao City, noong Martes.
Magugunitang ipinag-utos ng Kuwaiti Government ang pagpapalayas kay Villa sa kanilang bansa hinggil sa kontrobersyal na video ng pag-rescue sa isang Overseas Filipina Worker na inabuso umano ng amo.