Inirekomenda na ni Bureau of Fire Protection Director, Senior Supt. Wilberto Rico Kwan Tiu ang pagpapa-demolish sa NCCC Mall sa Davao City.
Disyembre 23 nang matupok ang 14 na taon ng nakatayong four storey establishment na ikinasawi naman ng 37 katao.
Ayon kay Tiu, posibleng gumuho ang mall dahil sa paghina ng istruktura nito matapos lamunin ng apoy na tumagal ng 24 oras bago naapula.
Nagkaroon anya ng matinding pinsala at totally damage ang gusali maliban sa ground floor.
Samantala, patuloy na inaalam ng B.F.P. ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog.