Mas mainam daw kung sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa halip na sa ibang testing center magpa drug test ang mga kandidato.
Ito ayon kay Senate President Tito Sotto ay dahil sa hindi makukwestyun ang sistema na ginagamit ng PDEA sa drug test.
Mahirap anya kapag kung saang testing center lang magpa drug test baka anya hindi ito reliable at baka limitado lang kanilang pang test sa shabu o marijuna o sa common drugs.
Giit ni Sotto mas maganda kung ang mga tumatakbo sa pagkapangulo at pangalawang pangulo ay PDEA magpa test para transparent.
Paliwanag naman ni Sen Ping Lacson, nagdesisyon sila na mauna na magpadrug test dahil may challenge man o wala o may pinapatungkulan man si Pangulong Duterte o wala ukol sa kandidato na gumagamit umano ng cocaine. Kailangan anya pakita na boluntaryo silang sumailalim sa drug test ng PDEA.
Natutuwa daw sila ni SP Sotto dahil sumunod sa ginawa nilang pagpapa drug test ng ilan pang presidential at vice presidential candidates.
Lagi naman daw silang nauuna dahil mas gusto nila na ginagawa ang sinasabi kesa puro salita. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)