Mas mabuti ang mga nangyayaring EJK’s o extra-judicial killings sa ‘war on drugs’ ang pa-imbestigahan ng Pangulong Rodrigo Duterte kaysa Office of the Ombudsman.
Sinabi ni Congressman Edcel Lagman na sa halip na bumuo ng komisyon na mag-iimbestiga sa Ombudsman, kailangang magtayo ang Pangulo ng interdependent commission para masusing imbestigahan ang extra-judicial killings kasunod ng kaniyang madugong kampanya laban sa iligal na droga.
Malalagay lamang aniya sa panganib ang constitutionally guaranteed independence ng Ombudsman kung magsasagawa ng anumang imbestigasyon lalo na ang partisan inquiry na magiging hadlang at magbibigay ng pressure sa tanggapan.
Binigyang diin pa ni Lagman na paghihiganti lamang ang nasabing hakbang ng Pangulo sa pagpapa-imbestiga ng Ombudsman sa hindi maipaliwanag na yaman ng Pangulo at pamilya nito.