Iginiit ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na posibleng hindi talaga nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapigil ang planong pagpapatalsik kay Vice President Leni Robredo sa pwesto.
Sinabi ni Drilon na maituturing na political double talk lamang ang pagpigil ng Pangulo sa mga nagbabalak magfile ng impeachment complaint laban kay Robredo.
Determinado pa rin, aniya, kasi ang mga kaalyado ng Pangulo gaya ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mapatalsik ang Bise Presidente.
PAKINGGAN: Pahayag ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon
Nanindigan si Drilon na hindi solusyon ang pag-impeach kay Robredo dahil magdudulot lamang, aniya, ito ng pagkakawatak-watak ng bayan.
PAKINGGAN: Si Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon
Drilon tutol sa planong muling ipagpaliban ang Barangay Elections
Tutol din si Drilon sa planong muling ipagpaliban ang Barangay Elections.
Ipinagpaliban na, aniya, ang Barangay Elections noong isang taon kaya hindi na siya pabor sa planong muling pagkansela nito sa Oktubre.
Sinabi ni Drilon na alinsunod sa diwa ng demokrasya, dapat na regular na nagsasagawa ng eleksyon upang mabigyan ng bagong mandato ang mga inihalal na opisyal.
Samantala, tumanggi si Drilon na magbigay ng komento kung naaayon sa saligang batas ang balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga na lamang ng Barangay Officials.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon
By Avee Devierte |With Report from Cely Bueno