Ikinakasa na ng Social Security System o SSS na gawing compulsory ang pagpapa-miyembro sa kanila ng mga Overseas Filipino Workers o OFW.
Ito’y kasunod na rin ng isinusulong na batas sa Senado na Social Security Law ni Senator Richard Gordon.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Foreign Affairs o DFA para sa pagsasakatuparan ng nasabing hakbang.
Sinabi ni Dooc na malaking bagay kung makakapaghulog ang isang OFW ng isang libo at pitong daan animnapung pisong (P1,760) kontribusyon sa loob ng sampung taon.
Maaari umanong makatanggap ang OFW ng anim na libo apatnaraan (P6,400) kada buwang basic monthly pension kapag nag-retiro, disability o death benefits at iba pa.
Bukod dito, pinag-aaralan na rin ng SSS ang tinatawag na flexi fund kung saan maaaring magkaroon ng dagdag ipon ang mga OFW.
—-