Naniniwala ang grupong Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) na isang patibong lamang ang ginagawa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para tuluyan nang ma-phase out ang mga tradisyunal na jeepney.
Ayon kay ACTO President Efren De Luna, pinasu-surrender sa kanila ang kanilang mga prangkisa para aniya makasali sa 49 na ruta na pinayagan ang ahensya na makabyahe.
Ngunit ani De Luna, patibong lang ito at sunod na rito ay iwa-wash out na ang lahat ng mga prangkisa.
Dito na umano magkakaroon o papasok ang mga bagong aplikante para sa kanilang ruta.
Una rito, tiniyak ng LTFRB na madadagdagan pa sa mga susunod na araw ang mga papayagang bumiyahe na traditional jeep.