Hinimok ng Department Of Health ang publiko na sundin ang mga ipinatutupad na health protocols bilang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Ito’y kasunod na lumalabas na artikulo kung saan nakasaad na naipapasa ang SARS-COV 2 virus sa pamamagitan ng “airbone transmission.”
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroong lumabas na pag-aaral na malaki ang posibilidad na maipasa ang virus sa hangin.
Dagdag ni Vergeire, kailangan magdoble ingat ang publiko dahil hindi biro ang COVID-19 lalo na’t marami ang tinatamaan nito kada araw.
Dahil dito, hinihintay ng health department ang rekomendasyong ibibigay ng world health organization hinggil sa lumabas na pag-aaral.—sa panulat ni Rashid Locsin