Ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga panawagang pigilan ang nakatakdang pagpapaalis kay Sister Patricia Fox.
Ito’y kasunod na rin ng paki-usap ng mga obispo ng simbahang Katolika sa Pangulo na ipinaraan sa kaniyang mga kaklase mula sa San Beda College of Law.
“Sabi nila, iyung mga taga-San Beda, aregluhin yung madre… Ah, maraming madre diyan.
Sabi ko, anybody can criticize me, ‘wag lang foreigner.” Pahayag ng Pangulong Duterte
Magugunitang si Sister Fox ang madreng misyonaryo mula sa bansang Australia inakusahan ng Pangulo na nakiki-alam sa mga usaping panloob ng Pilipinas.
Paliwanag pa ng Pangulo, ipinatupad niya lamang ang inilabas na kautusan ng noo’y kalihim ng Department of Justice o DOJ at ngayo’y Senadora Leila de Lima na nagbabawal sa sinumang dayuhan na makilahok sa mga kilos protesta.
—-