Nag-inspeksyon si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Benhur Abalos sa ilalim ng ilang flyovers sa EDSA, ngayong araw, ika-8 ng Hunyo.
Sa isang pahayag, sinabi ni Abalos na ang naturang hakbang ay para matiyak ng ahensya na maayos at malinis ang mga lansangan.
Mababatid na kabilang sa mga ininspeksyon ni Abalos ay ang bahagi ng EDSA-Kamuning sa Timog at Quezon Avenue sa lungsod Quezon.
Kasunod nito, ipinag-utos ni Abalos ang pagpapaalis sa lahat ng uri ng kalat at obstructions sa lugar.
Bukod pa rito, kabilang din sa pinatatanggal ng opisyal ay ang mga iligal na nakaparada sasakyang o kaya’y mga abandonadong sasakyan na naging na nasangkot sa mga aksidente.
Nanawagan din si Abalos sa mga motorista na ‘wag pumarada sa baba ng flyover.
Sa huli, iginiit ni Abalos na hindi magdadalawang isip ang kanilang pamunuan at tauhan na magpataw ng anumang parusa o ticket sa mga lalabag dito.