Kinondena ng Communist Party of the Philippines o CPP ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa apat na dating miyembro ng Makabayan Bloc sa Kamara de Representantes.
Ayon sa CPP, malinaw na isang uri ng pag-atake laban sa mga demokratikong puwersang patuloy na tumututol sa diktatoryal na paraan ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagbuhay sa anila’y gawa-gawang kaso.
Palatandaan din anila ito ng mas marami pang crackdown kasunod na rin ng magkakasunod na pag-aresto at pagpapakulong sa mga aktibista at human rights worker sa bansa.
Inaasahan din anila ang mas matitindi pang pag-atake ng pamahalaan laban sa mga progresibo at demokratikong grupo ngayong pinamumunuan na ni dating Pangulo at Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo ang House of Representatives.
Kasabay nito, hinimok ng CPP ang lahat ng mga Filipino na magkaisa at mas masidhing paglaban sa mapang-aping rehimen ni Pangulong Duterte.
—-