Pinag-aaralan pa ni Health Secretary Francisco Duque III kung posible na ibaba sa alert level 3 ang kasalukuyang status na alert level 4 classification sa National Capital Region hinggil sa COVID-19.
Aniya, ang pagbaba ng kaso mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 5 na may daily average na higit 13,000 na kaso ay 23% na mas mababa kumpara sa nakaraang linggo na higit 17,000.
Inaasahan ni Duque na magpatuloy ang downtrend at makita kung maaari nang ibaba ang kasalukuyang alert level.
Magugunitang nasa alert level 4 ang NCR mula Setyembre 16 hanggang 30 mula sa pilot implementation ng alert system at pinalawig hanggang Oktubre 15. —sa panulat ni Airiam Sancho