Pagpapababa ng inflation at pagtataas ng sahod ang pangunahing alalahanin ng mga Pilipino.
Ito ay batay sa Pulse Asia Survey na isinagawa mula Hunyo 24 hanggang 27.
Mayorya ng mga Pilipino o nasa 57% ang umaasang gagawa ng hakbang ang Marcos Administration sa pagkontrol ng inflation rate ng bansa.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumabas na ang inflation ay umabot sa 6.1% noong hunyo.
Lumabas din sa survey na halos kalahati ng Filipino adults o 45 percent ang nananawagan ng pagtaas ng sahod.
Nasa 33% naman ang sumang ayon na dapat tugunan ang kahirapan at pagdami ng trabaho sa bansa.