Inihayag ni MMDA Chairman Benjur Abalos Jr., na kung siya ang tatanungin hinggil sa kung ano ang dapat pairaling susunod na quarantine status, ang sagot niya ay general community quarantine (GCQ).
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Abalos na hindi malayong ipatupad ang mas mababang quarantine status kung magpapatuloy lang ang pagbaba ng trend o growth rate ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Bukod pa rito, isa rin sa ikinukunsidera ni Abalos, ay kung unti-unti nang makakahinga ang mga pagamutan sa bansa partikular sa kanilang bed capacity.
Gayunpaman, giit ni Abalos sa publiko na anu’t-ano pa mang ipatupad na quarantine status sa sa rehiyon sa pagtatapos ng buwan, ay dapat magkaroon ng disiplina ang bawat-isa lalo na ang pagsunod sa umiiral na health protocols kontra COVID-19.
Ako mismo personal, tingin ko naman kung ganito yung magiging trend medyo luluwag na yung ating ICU, ang ating mga nangangailangan ng hospital. Tingin ko pupwede na mag-GCQ, para sa aking pananaw, personal ito. I just want to make it very clear dahil unang-una siguro kung talagang disiplina sa mga nakikinig napakaimportante nito pagkat discipline tayong maigi ‘yan ang susi,” ani Abalos.