Isinusulong ng Department of Trade and Industry (DTI) na ibaba na ang edad sa 10 taong gulang ang maaaring payagang lumabas na kabataan.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nakaraang taon pa aniya ito isinusulong ngunit hindi inaaprubahan ng pamahalaan at IATF.
Magugunitang 15 taong gulang hanggang 65 taong gulang lamang ang pinapayagang lumabas bilang pag-iingat sa hawaan sa COVID-19.
Iginiit ni Lopez na makakatulong ang pagpapababa sa edad na maaaring lumabas sa ekonomiya ng bansa dahil sa nakakaintindi at nakakasunod na ang mga ito sa ipinapatupad na health protocols.