Hinimok ni Senator Chiz Escudero ang Commission on Elections (COMELEC) at Kongreso, na pag-aralan kung papaano mapapababa ang ginagastos sa eleksyon sa bansa.
Ayon kay Escudero, ito ay dahil mas malaki pa ang pondong inilalaan sa COMELEC, kumpara sa subsidiyang natatanggap ng MRT at LRT.
Sinabi ni Escudero na para sa 2016 elections, mayroong inilaang halos P33 billion pesos na pondo para sa COMELEC, gayung ang subsidiya para sa operasyon ng MRT at LRT ay nasa P12 bilyong piso lamang.
Binigyang diin ng senador na kung hindi magagawan ng paraan ang mataas na gastos sa halalan, tiyak na lalo itong lolobo sa mga susunod na eleksyon.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)