Hinimok ng dalawang medical experts ang publiko na ikonsidera pa rin ang pagpapaturok ng bakuna kontra COVID-19 na likda ng Chinese company na Sinovac.
Ito ay sa gitna ng mga pag-aalinlangan hinggil sa mababang efficacy rate nito.
Ayon kay Philippine Foundation for Vaccination Executive Director Dr. Lulu Bravo, hindi lamang dapat sa bakuna nakatuon ang mga tao.
Ani Bravo, dapat pagkatiwalaan ang mga eksperto na nasa likod ng pasiyang bigyan ng emergency use authorization (EUA) ang bakuna ng Sinovac, gayundin ang kanilang sinusunod na polisiya.
Samantala, sinabi naman ni Dr. Tony Leachon, dating advisor ng National Task Force against COVID-19, pasok pa rin ang efficacy rate bakuna ng Sinovac sa itinakdang threshold ng world health organization na 50%.
Binigyang diin ni Leachon, makatutulong pa rin ang paggamit ng bakuna ng Sinovac para matamo ang herd immunity sa bansa lalo na’t limitado lamang ang suplay ng iba pang bakunang may mas mataas na efficacy rate tulad sa Pfizer at AstraZeneca.