Hindi mandatory ang pagpapabakuna.
Ito ang nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Aniya, ang pagpapabakuna ng mamamayan ay boluntaryo lamang.
Habang nasa developmental stage pa ang mga suplay ng bakuna ay hindi dapat pinipilit ang mga taong magpaturok ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Bukod dito, sinabi ni Vergeire na karapatan pa rin ng mga tao ang mangingibabaw sa kagustuhang magpaturok ng bakuna. —sa panulat ni Rashid Locsin