Hindi inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang pagpapaturok ng magka-ibang brand ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay upang makumpleto ang kinakailangang dalawang doses nito.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, sakali kasing makaranas ng negatibong epekto matapos ang pagpapabakuna ay mahihirapan ang ahensya na matukoy kung anong brand ng COVID-19 vaccine ang nagdulot nito.
Kinatigan naman ito ni Dr. Lulu Bravo, chairperson ng Philippine Medical Association’s Adhoc Committee on Vaccination, dahil hindi aniya ito nakabatay sa standard procedures ng vaccination.
Samantala, sa ngayon ay ang COVID-19 vaccine pa lamang ng Pfizer-BioNTech ang may emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA) sa bansa.