Mali sa parehas na aspeto ng moralidad at legalidad ang ginawang pagpapabakuna ng aktor na si Mark Anthony Fernandez.
Ito ang inihayag ng Department of the Interior and Local Government unit (DILG) matapos imbestigahan ang ginawang pagbabakuna kay Fernandez kahit hindi ito kasama sa priority list.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, hindi valid reason ang sinasabi ng aktor kung saan siya aniya ay kabilang sa quick substitution list o secondary priority list.
Giit ni densing, ang nasa priority list ay mga A1 o health worker dapat ay A1 pa rin ang magiging substitute nito.
Una nang pinagpaliwanag ng dilg si Paranaque City Mayor Edwin Olivarez hinggil sa nangyaring paglabag sa COVID-19 vaccination program.