Dinagsa ng mga nasa A4 priority list ang unang araw ng vaccination program ng kanilang grupo sa Quezon City Hall.
Pawang mga kumpanya na nasa Quezon City ang nagparehistro ng kanilang mga empleyado kaya’t grupo-grupong dumating ang mga tao.
Kahit hindi residente, basta nagtatrabaho sa lungsod ay kabilang sa binabakunahan kontra COVID-19.
Alas otso ng umaga nagsisimula ang bakunahan hanggang ala syete ng gabi.
Batay sa tala ng Department of Health, aabot na sa 1.7 milyon ang nakakumpleto na ng 1st at 2nd dose ng bakuna. — sa panulat ni Drew Nasino.