Hindi maaaring pilitin ang isang tao na magpabakuna laban sa COVID-19.
Ito ang inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) sa gitna ng pangamba sa kaligtasan ng bakuna dahil sa mabilis nitong development.
Ayon kay State Regulator’s Director General Eric Domingo, ang isang tao ay mababakunahan matapos maihayag dito ang lahat ng posibleng panganib at benepisyo na makukuha sa partikular na bakuna.
Giit nito ang pagbabakuna ay hindi sapilitan at boluntaryo itong gagawin.
Gayunman tiniyak ni Domingo na masusi nila itong pinag-aaralan upang masiguro ang kaligtasan ng bakuna dahil hindi umano nila ikukompromiso ang kalusugan ng nakararami.