Iimbestigahan ng Department of Health (DOH) ang umano’y pagpapabakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng ilang hindi healthcare worker.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi nila ito palalampasin lalo’t may mga prayoridad na nakalinya para makatanggap ng bakuna.
Ani Duque, kung tutuusin ay kulang pa ang bakuna para sa mga healthcare workers dahil kinakailangan ng 3.4 million doses ngunit 600,000 doses pa lang ang dumarating.
Magugunitang ilang opisyal ng gobyerno at lokal na pamahalaan ang nakatanggap na rin ng bakuna ng Sinovac.