Tinutulan ng League of Provinces of the Philippines (LPP) ang atas ng Department of Health (DOH) na ibalik sa Metro Manila ang ipinamahagi nang COVID-19 vaccines sa mga probinsya.
Ayon kay Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr., pangulo ng LPP, limitado lamang ang suplay ng COVID-19 vaccine sa mga probinsya dahil hindi naman marami ang ipinamahagi ng pamahalaan.
Isa pa aniyang problemang kaniyang nakikita rito ay ang logistics kung saan posibleng masira ang mga bakuna dahil sa pagbyahe muli nito pataungong Metro Manila.
Una rito sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega, na ang mga magbabalik ng bakuna ay iyong nasa malapit lang sa Metro Manila.