Nakatakdang mag-usap ngayong araw ang mga opisyal ng Pilipinas at South Korea para pag-usapan ang gagawing pagpapabalik ng tone-toneladang basura na itinapon sa bansa.
Ayon kay Misamis Oriental rep. Juliette Uy, gaganapin ang pulong mamayang alas-10 ng umaga sa MCT Compound sa Tagoloan, Misamis Oriental.
Target na mapagkasunduan na ma-reship ang 5,000 tonelada ng basura pabalik sa South Korea na iligal na nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng Verde Soko.
Una nang pinabalik ang mga basurang galing sa Canada habang nasa proseso na rin ang pagbabalik ng mga basura mula naman sa Hong Kong.