Ibinasura ng Sandiganbayan ang demurrers to evidence na inihain ng tinaguriang “pork barrel queen” Janet Lim Napoles at dating Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC) Party-list Representative Edgar Valdez kaugnay ng kinakaharap nilang plunder case.
Ayon sa Sandiganbayan 5th division, tinanggihan nila ang demurrers dahil napagtibay na ng prosecutors ang validity ng plunder case laban sa dalawa.
Daan sana ang demurrers of evidence para tuluyang maibasura ang kaso laban kina Napoles at Valdez dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Sa ilalim ng plunder law, maituturing na plunder kapag ang sangkot na halaga ay mahigit sa P50-M.
Si Valdez ay kinasuhan ng plunder dahil sa inilaan di umano nito ang mahigit P75-M na halaga ng kanyang pork barrel sa ghost projects ni Napoles.