Nagpakalat ng sulat ang NPA o New People’s Army sa mga kandidato upang paalalahanan sila na kailangan nilang magbayad ng PTC o Permit to Campaign sa mga lugar na kontrolado ng NPA.
Ginawa ito ng NPA kasabay ng pagsisimula ng election period para sa 2016 presidential elections.
Kabilang sa mga kandidatong nagkumpirma na nakatanggap ng sulat mula sa NPA ay mula sa Quezon Province, Bondoc, at ilan pang lugar na kilalang balwarte ng NPA.
Una nang nanawagan ang Philippine Army sa mga kandidato na huwag bumigay sa hinihingi ng NPA.
By Len Aguirre