Tinanggap na ng mga obispo sa Pilipinas ang kautusan ni Pope Francis na padaliin ang proseso ng annulment o ang pagpapawalang bisa ng kasal ng mag-asawang Katoliko.
Sa ipinalabas na kalatas ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, sinabi nito na patunay lamang na pinapasok na ng sariwang hangin ang mga bintana ng simbahan.
Binigyang diin ng arzobispo na ang kautusan nito ng Santo Papa ay ang kaniyang paraan upang ipaabot ang habag ng Diyos sa mga nagdurusa dahil sa hindi akmang pagsasama.
Bagaman tinanggal na ni Pope Francis ang mahabang prosesong pagdaraanan ng pagpapawalang bisa ng kasal, hindi anya ito garantiya na nagbabago na ang turo ng simbahan hinggil sa sakramento ng kasal.
By Jaymark Dagala