Susuriin ng Senado ang aplikasyon ng ilang bangko na dagdagan ang Automated Teller Machine (ATM) fees.
Ito ay sa nakatakdang pagdinig ng Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies kahapon.
Ayon kay Sen. Grace Poe, Chair ng komite, bukod sa ATM fee increase tatalakayin sa komite ang iba pang singil na ipinapataw ng financial institution tulad ng Finance charges at iba pang fee para sa remittance o money transfer ng mga Overseas Filipino Worker (OFW).
Sa kasalukuyan , nagpapataw ang mga bangko ng P10 hanggang P15 para sa Interbank withdrawal at P2 naman para sa Interbank balance inquiry.
Una rito, naghain si Poe ng Senate Resolution 96 na naglalayong imbestigahan ang pagtaas ng ATM fee makaraang tanggalin na ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang moratorium sa pagtaas ng presyo.