Sinimulan na ng US ang shipping ng 3.2 milyong doses ng single-shot COVID-19 vaccine ng Johnson and Johnson sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni White House Spokesman Kevin Munoz sa gitna ng commitment ng Estados Unidos na ibahagi ang kanilang mga bakuna sa developing nations.
Sa kasalukuyan ay nasa 13.4 million na ang nabakunahan sa Pilipinas o 6.2% ng populasyon.
Ang J and J one-shot vaccine ay hindi na kailangang i-refrigerate gaya ng ibang bakuna kaya’t malaking tulong ito upang madagdagan ang bilang mga babakunahang Filipino. —sa panulat ni Drew Nacino