Pinapatigil na ng Russia ang Estados Unidos sa pagpapadala ng armas sa Ukraine.
Ayon kay Anatoly Antonov, Russian Ambassador to the United States, lalo lang pinapalala ng U.S. ang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Bagaman hindi nagpapadala ng sundalo, taliwas ang ginagawa ng U.S. na pilit isinusulong ang kasunduang pangkapayapaan.
Noong Pebrero 24, nagsimula ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine kung saan libo-libo na ang nasawi at mahigit 5M na ang naapektuhan.