Hindi inaalis ng US Air Force ang posibilidad na magpadala ng B-1B strategic bombers sa isinasagawang military exercises ng Estados Unidos at South Korea.
Kasunod na rin ito ng mga inilunsad na weapon test ng North Korea noong nakalipas na mga araw bilang pagpapakita ng kanilang mariing pagtutol sa military drills ng South Korea at Amerika.
Matatandaan na sinimulan noong nakalipas na Lunes ang tinawag na “vigilant storm” na air drill ng dalawang bansa na pinalawig pa hanggang kahapon, araw ng Sabado, dahil sa ginawang pagbabanta ng North Korea.
Matagal nang panahon na nanawagan sa Estados Unidos ang South Korea na mag-deploy sa kanila ng mga “strategic assets” upang higit pang mapalakas ang kanilang military defense.