Suspendido muna ang pagpapadala ng Pinoy health workers sa Japan dahil sa COVID-19 pandemic.
Ipinabatid ito ni Philippine Ambassador To Japan Jose Laurel V kaugnay sa pinaiiral na travel ban ng japan subalit exempted dito ang mga nasa diplomatic at government service.
Ayon kay Laurel, maging ang mga miyembro ng diplomatic corps ay hindi maaaring lumapit sa mga delegado ng bansa na sasali sa Tokyo olympic games mula Hulyo hanggang Agosto.
Inihayag pa ni laurel na ligtas naman ang mga Pilipino sa Japan kung saan 135 ang recoveries, dalawa ang active cases at isa ang nasawi.
Una nang isinailalim sa state of emergency dahil sa COVID-19 ang ilang prefectures tulad ng Tokyo, Kyoto, Osaka at Hiroshima.