Kinundena ng Estados Unidos ang mapag-hamong aksyon ng China matapos itong magpadala ng halos 100 military aircraft malapit sa Taiwan, sa loob ng tatlong araw.
Ayon kay US State Department Spokesperson Ned Price, nababahala ang Amerika sa aktibidad ng Tsina na tila naghahamon na ng gulo.
Sa oras anyang magkaroon ng “mis-calculation” ay mamemeligrong maapektuhan ang kapayapaan sa Indo-Pacific Region.
Hinimok naman ng US ang China na itigil ang military activity, diplomatic at economic pressure nito laban sa Taiwan sa halip ay bumalik sa mapayapang negosasyon. —sa panulat ni Drew Nacino