Kabilang sa inaasahang lalagdaang kasunduan sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang pagpapadala ng mas maraming mga English teacher sa China.
Nakatakdang dumalo ang Pangulo sa BOAO Forum sa Asya kasama ang iba pang lider sa rehiyon.
Ayon kay Philippine Ambassador to China Chito sta. Romana, may ilang bagay na lamang ang pinaplantsa sa naturang kasunduan bago ito tuluyang lagdaan ng dalawang bansa.
Aniya, palaki ng palaki ang pangangailangan ng China na mga gurong makapagtuturo sa kanila ng Ingles.
Kaya naman mula sa dating ruling na tanging sa mga bansang native speaker ng Ingles lamang kumukuha ng mga guro ay kanila na itong binuksan sa mga bansang dating kolonya ng mga native speaking countries.