Sisimulan na bukas ng Commission on Elections ang pagpapadala ng mga balota sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, direktang ipadadala ang mga balota sa City o Municipal Treasurers’ Offices.
Aniya, unang makatatanggap ng nasabing election material ang mga malalayong lugar sa bansa, partikular na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Caraga region, Zamboanga Peninsula, at Batanes.
Sinabi ni Chairman Garcia na 95% na ng kabuuang bilang ng mga inimprentang balota ang sumailalim sa verification process.
Target ng COMELEC na maipadala ang lahat ng mga balota bago matapos ang Abril.—sa panulat ni John Riz Calata