Boluntaryo na lamang ang pagpapadala ng Doctors to the Barrios (DTTB) sa Cebu City.
Ayon ito kay Health undersecretary Maria Rosario Vergeire ay matapos batikusin ng DTTB ang kautusan ng Department of Health (DOH) na pansamantalang paglilipat sa mga rural doctors sa Regions 6 at 7 sa mga pribadong ospital sa Cebu City para tumulong na gamutin ang mga dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Vergeire na voluntary basis muna ang pagpapadala ng rural doctors sa Cebu City para mas mabilis at wala nang maging isyu pa.
Binigyang diin ni Vergeire na nais sana nilang mapalawig ang kanilang mga programa lalo nat nahaharap sa public emergency ang bansa kasabay nang paniniwala sa commitment ng mga health workers.
Una nang plano ng DOH ang pagdedeploy ng 40 doktor mula DTTB sa Cebu City at hahatiin sa apat na batch at magpapalitan kada dalawang linggo.