Hindi dapat masamain ng mga taga-Basilan ang ginawang pagpapadala ng police scalawags sa kanilang lalawigan.
Sinabi sa DWIZ ni Phlippine National Police -National Capital Regional Police Office Director Oscar Albayalde na ang transfer ng pulis sa ibang assignment ay punitive in nature at hindi para parusahan sila.
Ang paglipat aniya ng pulis ng assignment ay dapat ikatuwa ng mga taga-Basilan dahil nadagdagan sila ng personnel .
Kahit 58 lamang ang sumunod na magpadala sa Basilan, sinabi ni Albayalde na dagdag-puwersa pa rin ito sa counter- terrorism operations at internal security operations ng pulisya.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni NCRPO Director Oscar Albayalde sa DWIZ
By: Aileen Taliping