Pansamantalang nakabinbin ang pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers o OFW sa bansang Israel, ayon sa Department of Labor and Employment o DOLE .
Ito ay sa kabila ng paghinto ng bakbakan dahil sa ipinatutupad na ‘truce’ sa pagitan ng Hamas.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hihingi umano ito ng payo mula kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. Kung kailan magiging maayos ang kalagayan at sitwasyon ng naturang bansa.
Magugunitang nagtaas ang Pilipinas ng alert level 2 sa Gaza kung saan pansamantalang sinuspinde ang pagpapadala ng mga OFWs.
Nasa apat na daang caregivers ang nakatakda sanang magtungo sa israel ngunit ito’y nabinbin dahil sa nangyaring sagupaan ng israel at mga militanteng grupo.
Samantala, batay sa inilabas na datos ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, aabot sa 30K ang nagtatrabaho sa Israel na ayaw magsiuwi sa bansa.