Sinuspindi pansamantala ng Labor Department ang pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers sa Oman.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito’y makaraang isama ng Oman ang bansa sa kanilang pinaiiral na travel ban.
Dagdag pa ni Bello na ang naturang travel ban ng Oman laban sa bansa ay kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na siyang ipinatutupad.
Nauna rito, sinabi ni Bello na hindi makatuwiran ang ipinatawa na travel ban ng Oman sa Pilipinas lalo pa’t marami ang mga maaapektuhang OFW’s sa naturang desisyon.