Ipagpapatuloy na muli ng gobyerno simula ngayong araw ang deployment ng mga bagong household workers sa Saudi Arabia.
Ito’y makaraang tanggalin na ng Pilipinas ang deployment ban noong Setyembre.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople, kabilang sa bagong kontrata ang proteksyon sa mga Overseas Filipino Worker (OFWs).
Makakaroon din aniya ng insurance coverage para sa mga domestic workers at babayaran ito ng Saudi employers.
Tinitiyak naman ni Ople na hindi na muulit ang kabiguan ng ilang Saudi employer na magpasahod sa mga OFW.
Samantala, ngayong linggo, nakatakdang dumating ang mga kinatawan mula Saudi Arabian government para pag-usapan ang unpaid claims ng mga OFW na pinauwi noong 2016. —sa panulat ni Jenn Patrolla