Naabot na ang itinakdang quota o 5,000 nurses na pinapayagang makalabas ng bansa.
Iginiit ito ni POEA Administrator Bernard Olalia kaya’t kailangan na nilang itigil ang pagpapadala ng mga nurse sa ibang bansa.
Nilinaw pa ni Olalia na ang mga healthcare workers na nabigyan ng overseas employment certificates ay papayagan pa ring ma i-deploy sa ibang bansa.
Una nang nagpasya ang gobyerno na limitahan lamang sa limang linggo ang mga nurse na maaaring makapag-trabaho sa ibang bansa dahil sa COVID-19.