Hinarang ng US at North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang pagpapadala ng Poland ng fighter jets sa Ukraine para labanan ang Russia.
Ito ay kasunod ng babala ng Russia na kanilang isasama sa kanilang target ang mga bansang tutulong sa Ukraine.
Matatandaang sinabi ni Russian Deputy Foreign Minister Sergey Ryabkov na kailangan maging alerto at maging maingat ang mga bansa sa pagpapadala ng mga armas sa Ukraine.
Binalaan din ng Russia ang US sa pagsasagawa o pagbibigay nito ng Air Defense System at Anti-Tank Missiles sa Ukraine. —sa panulat ni Angelica Doctolero