Ipinag-utos na ng National Telecommunications Commissions (NTC) sa iba’t ibang kumpanya ng telco na magpadala araw-araw ng text blast sa subscribers nito.
Ito ay para mapaalalahanan ang publiko kaugnay sa lumalalang insidente ng personalized text scam.
Batay sa memorandum ng NTC na inaatasan nito ang mga telco na magpadala ng mensahe sa publiko na ‘wag maniwala sa mga text na naglalaman ng inyong pangalan na nag-aalok ng trabaho, pabuya o pera dahil ito’y isang scam.
Bukod dito, inaatasan din ng NTC ang mga ito na pabilisin pa ang proseso sa pag-block ng mga sim card na ginagamit sa panloloko.
Samantala, pinagpapasa rin ng NTC ang mga ito ng written report hanggang sa ika-19 ng Setyembre.