Tiyak na mahihirapan nang magpadala ng tulong pinansyal ang mga foreign terror group sa Maute Group sa Mindanao.
Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier Gen. Beinvenido Datuin kasunod ng pagdedeklara ng Estados Unidos sa Maute Group bilang mga terorista.
Ayon kay Datuin, dahil sa nasabing hakbang mas magiging mabilis na para sa mga otoridad na masilip ang money trail at financial source ng Maute Group mula sa mga dayuhang teroristang grupo.
Dagdag ni Datuin, mas madali na rin nilang matutukoy ang pagkakakilanlan ng mga koneksyon ng Maute Group mula sa ibang bansa.
Naniniwala naman ni Defense Spokesman Arsenio Andolong na mababawasan na ang mga aktibidad ng Maute kasunod ng pagkakabilang nito sa listahan ng Estados Unidos.
Sinabi pa ni Andolong na pinagtibay din nito ang matagal nang deklarasyon ng pamahalaan sa Maute Group bilang mga terorista.
Krista de Dios / Jonathan Andal / RPE