Inihahanda na ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga sample ng virgin coconut oil (VCO) sa National University of Singapore ngayong linggo para sa karagdagang pag-aaral sa posibilidad na magamit bilang pangontra sa corona virus 2019 (COVID-19).
Ipinabatid ito ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles matapos aniyang tanggapin ng Singapore na masubukan ang VCO kontra COVID-19.
Bukod dito sinabi ni Nograles na isang academician mula sa isang kilalang Unibersidad sa Pilipinas ang nagsasagawa na rin ng pag-aaral sa VCO.