Pinalakas pa ng lalawigan ng Aklan ang pagpapagamit ng QR code sa mga turistang magbabakasyon sa Isla ng Boracay.
Kasunod na rin ito, ayon sa Malay Tourism Office, nang pagbisita sa Boracay kada araw ng halos 800 turista mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinabi ni Aklan Governor Florencio Miraflores na maliban sa QR code, requirement pa rin ang pagpiprisinta ng negatibong RT-PCR swab test at hotel bookings sa Boracay.
Ang QR code aniya ay makukuha sa website ng Aklan Province na www.aklan.gov.ph.
Una nang inanunsyo ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paggamit ng S-PaSS ng Department of Science and Technology (DOST) sa mga uuwing locally stranded individuals.