Binigyan na ng go-signal ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagpapagawa ng mga bagong imprastraktura, daan at tulay sa bansa.
Kabilang na rito ang konstruksyon ng Metro Rail Transit-4 (MRT-4) na nagkakahalaga ng higit P57-bilyong.
Ayon sa NEDA, kasama na rin dito ang EDSA Greenways Project, Bataan-Cavite Interlink Bridge Project, Coastal Road Construction Project, Capas-Botolan Road Project at iba pa.
Tatakbo ang 15.56-kilometer elevated Monorail Transit System ng MRT-4 mula N-Domingo sa Quezon City hanggang sa Taytay-Diversion Road-Manila East Road sa Taytay.