Dinepensahan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang gobyerno kaugnay sa umano’y paglabag nito sa karapatang pantao.
Sa ginanap na 73rd United Nations General Assembly, iginiit ni Cayetano na pinapahalagahan pa rin ng administrasyong Duterte ang bawat buhay ng kaniyang mamamayan.
Sinabi ni Cayetano na sa katunayan aniya, ang mga polisiyang ipinatutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte gaya ng war on drugs ay hindi lamang para palayain ang bansa sa iligal na droga kundi para rin maproteksyunan ang karapatan ng lahat ng indibidwal na mamuhay ng ligtas.
Giit pa ni Cayetano kaisa si Pangulong Duterte ng United Nations sa pagsusulong na kapayapaan, pag-unlad at kasaganaan ng bansa.
Magugunitang naging kontrobersiyal ang Pangulo sa un dahil sa isyu ng umano’y extra judicial killings sa ilalim ng war on drugs ng kasalukuyang administrasyon.
Cayetano tells @UN members: reforms prevent PH from becoming narco state; protect rights of Filipinos: https://t.co/6LL2V9AySn
Sec. Cayetano: As a sovereign and democratic country, we are on track in salvaging our deteriorating country from becoming a narco-state.#UNGA #PHinUN pic.twitter.com/Epmz8Tjjei
— DFA Philippines (@DFAPHL) September 30, 2018