Tinutulan ng mga senador ang biglaang desisyon ng Department of Health na itigil ang daily reports ng bagong COVID-19 cases.
Inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na maaaring may agenda ang ipinatupad na pagbabago ng DOH habang iginiit ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na karapatan ng mga mamamayan na magkaroon ng impormasyon.
Ayon kay Zubiri, mahalagang malaman ng publiko kung bumababa o tumataas ang COVID-19 infections sa bansa lalo’t may banta ng mas nakahahawang Omicron variant.
Kinatigan ito ni Senator at Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon at ipinuntong para sa kaligtasan ng publiko ang COVID-19 reports.
Ganito rin ang sentimyento nina Senators Joel Villanueva at Francis Pangilinan kaya’t nanawagan sila sa kagawaran na ipagpatuloy ang COVID-19 daily bulletin. —sa panulat ni Drew Nacino